Monday, September 13, 2004

counter-talumpati

if the atlanteans can build counter-infantry, i'm making a counter-talumpati. warning: it's in tagalog; deep, pure, soulful, hateful tagalog.

Bakit ang mga Filipino teacher na may pwet na malaki ay nagiging pinakamalaking asar sa buhay ng isang "sophomore"? Siguro kasi ang mga ganitong uri ng tao ay nagiging teacher na kung tawagin ay "terror". Siya ay isang uri ng tao na masasabing bruha. Siya ay nagpapahirap ng buhay ng mga inosenteng bata sa ikalawang antas ng mataas na paaralan.

Bakit ko naman ito nasabi? Kaibigan, ipapakita ko sayo ang mga maraming dahilan.

Una, siya talaga ay isang bruha sa klase. Paminsan, siya ay masaya, pero, pag hindi ka handa, biglang iiba ang kanyang pakiramdam at siya ay magiging bruha na akala mo'y lahat ng tao sa mundo ay pinatay ang kanyang pamilya at ngayon siya ay mamamatay-tao. Pero ibang kwento na iyon.

Pangalawa, sinong tanga ang magaabiso sa kanyang klase na magdala ng angkop na kasuotan sa isang talumpati na magaganap sa SILID-ARALAN LAMANG at hindi naman sa CCP na may celebrity na manonood? Sina Boy Abunda o sila Gloria Diaz ba ang magjujudge sa kagalingan ng iyong pagtatalumpati? Kaya't bakit pa ba tayo magaasikaso ng kasuotan para sa talumpating sa silid-aralan lang magaganap? Impyerno, sa impyerno ka lang mapupunta, bruha.

Akala mo ba na ang pagtatalumpati, o pagsasalita lang sa harap ng madla ay madali? Mas lalo na kung may magsasanay sayo na isang istriktong babae na may malaking pwet? Siguro kung ika'y bata tulad namin, at nakaharap ka rin ng guro na katulad mo, malalaman mo ang kahulugan ng totoong nerbyos at takot sa kinalalabasan.

*Bow*.

now, if some people...

now if some people would stop bugging me about the maiden (you know who you are), i would live in peace. but no, you really have to know, haven't you?

i'm in a position where i'm not ready to reveal anything yet.

oh and did you know sir lasap made pauline cry today? it's like someone's finally driving home the point that "you are stupid" to her.

huzzah, good sirs, huzzah!