Tuesday, November 16, 2004

hmmm!!!!

magandang gabi sa inyong lahat. ako'y magdidikta sa wikang Filipino ngayon. (paalala lamang na galit pa rin ako kay mama kahit papano.)

isang presentasyon

sa araw na ito, kaming mga taga-ikalawang taon sa mataas na paaralan ay nakinig sa isang presentasyon ng isang sikolohiyo na kung parang 'koboy' magsalita. (paalala: sinabi ni fagum na mula noong tayo ay nagsimula ng mataas na paaralan ay sinasabi na niya sa atin na tayo ay may karapatan na tumanggi. kaya paalala lamang na kung kahit sinong lalaking igagahasa niya ay may karapatan na tumanggi. ha! ha! ha!)

sinabi ng sikolohiyo na masama ang alam-mo-na dahil ito'y nakakasira ng iyong kinabukasan. at para maiwasan ang alam-mo-na ay umiwas sa mga sitwasyon na tamang pang-alam-mo-na (kunwari madidilim na kwarto kasama ang isang babae). ako'y napag-isip. "hindi ako pupunta sa bahay ni dianne ng mag-isa lamang."

iwasan rin daw ang magsuot ng mga damit na konti lang ang tinatakpan sa iyong katawan. *ubo*giselle*ubo*

ang D

di raw pareho ang k'wento nila sa amin. ha. maniwala nga ako sa inyo. nye-nye.

ang mga pagsusulit kangina

kangina ay kumuha kami ng mga pagsusulit na tumagal ng isang buong umaga. (nainis nga ako at kinuhanan kami ng oras para sa kompyuter. leche.) kami ay tawang-tawa (tawa lang) dahil sa mga maraming p'wedeng piliin na mga trabaho. (kunwari. 'hairdresser' at 'beautician'. o baka sakali, 'education administrator', o mga tinatawag na prinsipal. ay! mga bakla lang!)

baka naman gusto mo:
-magmaneho ng malaking makina sa isang pagawaan
-dumisenyo ng kotse
-ipakita sa mga tao ang iba't-ibang lugar
-gumamot ng isang baling paa
-lumaban sa digmaan (aba!)

dito na nga ako magtatapos.

o s'ya, dito na ako magtatapos. teka lang, mayroon akong ipapagawa sa'yo! kung kaya mong isalin lahat ng dinikta ko ngayon sa wikang Inggles (Ingh-gles, hindi Ingels) at isumite sa akin, bibigyan kita ng maraming maraming pera! ikaw na bahala sa dami ng pera na ibibigay ko sa'yo.

o, diba?

(akala n'yo si mama lamang ang makata dito.)

No comments:

Post a Comment